Wednesday, October 22, 2008

Sa Mga Magulang ng Mga Bata Sa Eastern Rizal




Ako si San Ildefonso. Mas naaalala ninyo ako tuwing ika 23 ng Enero dahil masaya kayong pumnupunta sa Tanay dahil Feast Day ko. Masaya ako lalo na kahapon dahil ang Pangulo ng San Ildefonso College, si Monsignor Canonero ay nakipagkasunduan sa mapayapang pag-sasaayos ng mga kahilingan ng mga guro sa pamumuno si Ms. Belinda Penano-Viray na isa ring Alumni ng SIC mula Elementarya, High School, at College. Masaya ako sa pag-papairal ninyo ng ating vision "GOD ABOVE ALL".

Ako lang ay nagtataka kung bakit parang kumakaunti ang mga mag-aaral ng ating paaralan. Bakit ganoon samantalang napakagagaling naman ng ating mga graduates at napakamatagumpay sa kanilang mga piniling propesyon ?

Mga mahal kong Alumni, kung nasaan man kayo sa mundo, magbigay saksi sana kayo sa kagandahan ng edulasyong inyong natamo sa ating abang paaralan na ngayon ay mapayapa at nag-kakaisang itinataguyod ng mga tagamamahala at guro sa San Ildefonso College.
Mag padala sana kayo dito tulad ng mensaye kong ito na may kalakip ng larawan ninyo ang lalong maganda kung kasama ang inyong pamilya upang maipaabot sa lahat...lalo na sa mga magulang kung ano ang puno ng inyong edukasyon kaya nagbunga ng inyong tagumpay. Huwag sana kayo mag-atubili. Mas malaki pa sa puhung halaga ang pagbibigay saksi ninyo sa kabutihan ng pag-papaaral sa San Ildefonso College.

Para sa Diyos, Higit Sa Lahat, nagmamahal

SAN ILDEFONSO DE TOLEDO


Note : This is a request for personal endorsement from all Alumni to persuade parents and guardians to send their siblings, children or grandchildren to San Ildefonso College. Drafts of endorsements may be sent with attached photographs to mc_sicaa@yahoo.com. HTML files of endorsements will be done by sicaa_communications.

No comments: