Sunday, August 7, 2011

FR. ARTHUR PRICE LIBRARY becomes history.

FR. ARTHUR PRICE : The Library honored in your name may be no more, but you will forever be in our hearts. Let us support the SIC Centennial Bldg which will have a new library.

Saturday, June 11, 2011

HAPPY FATHERS' DAY

Masayang araw sa lahat ng Ama, sa aking Dad, sa Lolo Simeon, sa lahat ng Fathers kasama na rin si Fr. Brower, Fr. Bahl, Fr. Price, Fr. MacCarthy, Fr. Gaboury, Fr. O'Hagan, Fr. (Bishop) Gungon, Fr. Lopez, Fr. Lorica, Fr. Mario, Fr. Pepe, Fr. (Msgr.) Peter, Fr. Noeh, Fr. Buddy, Fr. Carlos, Fr. Cris, Fr. Raymond, Fr. Eric, Fr. Mandy...at sa lahat ng Padre de Familia.....Happy Fathers Day po.


Makatotohanang Araw ng Kalayaan sa Lahat !


Sa taong 2011 ay natapat ang Araw ng Kalayaan ng ating Bansang Pilipinas sa Linggo ng Banal na Espiritu. Pagpalain nawa tayo sa tunay na kahulugan ng Kalayaang pinuhunanan ng dugo at sakripisyo ng ating mga ninunong Bayani. Mabuhay Pilipinas ! Mabuhay Pilipino ! Mabuhay Pilipina ! Salamat po Panginoon !

Sunday, April 17, 2011

Linggo ng Palaspas sa Parokya ng San Ildefonso de Toledo sa Tanay

HOSANNA : Isang mcsicaa video ng pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas sa Parokya ng San Ildefonso de Toledo sa Tanay Rizal
http://youtu.be/_a8MAWy56QU

Monday, February 14, 2011

Pagsamba at Pakikibaka


Pagsamba at Pakikibaka (Worship and Struggle)
By Gary Granada

Ang pagsamba at ang pakikibaka
Pagpupuri at ang pakikipagkapwa
Ang pagsamo at pakikisalamuha
Sa pangalan niya

Alang-alang sa kanyang kadakilaan
Ang katarungan at kapayapaan
Alang-alang sa kanyang kaluwalhatian
Ang kalayaan ng sambayanan

Pagsasapamuhay ng ating pananalig
Bunga ng pinakadakila niyang pag-ibig
Ang gawa ng pananampalataya
Sa pangalan niya

Alang-alang sa kanyang kadakilaan..

Si Kristo'y sapat at ganap na kaligtasan
Ng ating kaluluwa at lupang katawan
Kung mahal natin ang Dios
Ang dukha't nagdarahop
Ang api at hikahos
Sa pangalan ni Hesus
Kalingahin na


Pakinggan ang awit na ito sa pamagitan ng sumusunod na ugnay
http://www.youtube.com/watch?v=lAwUlU5Bysg