Tuesday, October 27, 2009

Re: October 28 : Feast of Saint Jude Thaddeus

Kumusta po Father Mandy at sa lahat,

Sa Tanay po ako nagsimba noong makalawang linggong nakaraan Oct. 19, 2009 sa 6:30 p.m. Mass. Matapos po ang Misa ay nakagawian kong kumuha ng mga photos ng iba ibang bahagi ng simbahan kahit ano pong lugar. Napansin ko po na may nag-iintay at nakatingin sa akin at meron daw pong itatanong lamang. Pero natatandaan ko po sila. Nakita ko po sila noong unang Misa ninyo dito sa Tanay noong July 4th 2009 at noong July 5th 2009. Nasa ibaba po ang larawan nila kalapit ng imagen ng St. Jude Thaddeus na kadadala lang doon para sa Novena patungo sa kanyang Feast Day ngayon.

Kinukumusta po nila yong video na kinunan ko noong July 4th, 2009 nung mag Misa kayo dito sa Tanay. Sabi ko po ay nirereserba ko ito bilang special feature by the end of the year at bibigyan ko po sila at kayo ng CD nito. Nasa General Santos City daw po ngayon kayo. Hiniling ko pong makunan sila ng retrato kalapit ni St. Jude para maipost ko sa inyo. Kumusta daw po. Ingat po kayo diyan palagi Fr. Mandy.

Arch. Freddie Alfonso po.